Nu’ng minsan ay may nakakita kay Alden Richards na umiidlip sa taping ng The Gift. Maingay ang paligid, maraming daanan nang daanan sa kanyang harapan, pero malalim pa rin ang tulog ng singer-actor.
Lumagare pala siya nu’n sa trabaho, madaling-araw na siyang nakauwi, maaga naman ang kanyang calltime sa seryeng pinagbibidahan niya.
Kay Piolo Pascual lang namin nakikita nu’n ang ganyan, ginagawa nang kama ng aktor ang pader, konting pahinga lang ay okey na sa kanya.
Kailangang samantalahin ni Alden ang pagkakataon, ang mga dumarating na oportunidad sa kanya nang hindi naman naaapektuhan ang kanyang kalusugan, mabilis ang transisyon ng mga artista ngayon.
Pagdating sa propesyonalismo ay angat ang Pambansang Bae. Wala siyang reklamo, hindi siya nag-iinarte sa kahit anong kompromisong tinatanggap niya, kaya puro papuri ang kanyang inaani.