Megan, Mikael 2 beses nagpakasal, umiiyak nang magpalitan ng ‘I do’

MIKAEL DAEZ AT MEGAN YOUNG

Ibinisto ni Megan Young na last Jan. 10, 2020 ay kasal na sila ni Mikael Daez sa Caleruega.

Sampung mga mahal sa buhay ang sumaksi sa kanilang intimate (or secret) wedding.

Kaya naman itong nakaraang kasal nila sa Subic ay ang ikalawang beses nilang pagpakakasal.

Ipinakita pa ni Megan sa kanyang Instagram account na kapwa namumugto ang mata nila ng asawa sa kaiiyak.

Anyway, ngayong araw na ito ay haharap sa entertainment press si Mikael para sa Kapuso series niyang Love Of My Life.

Naku, humanda na siyang putaktihin ng tanong sa naganap na kasalan nila ni Megan, huh!

Read more...