WALANG nasagot na date si Xian Lim kung ilang taon na ang relasyon nila ni Kim Chiu.
“Nakalimutan ko na. Hindi kasi kami nagbibilang ng panahon. We only count each and every day our moments together,” say niya sa presscon ng Love Thy Woman.
When asked how should he love Kim, ito ang sagot ng binata: “Handle with care. Treat her with respect and always communicate. Never let a day go by without settling or fixing your problems. Never go to sleep at night without having that fixed.”
After many years ay ngayon lang uli magsasama sina Kim at Xian sa isang teleserye at na-happy si Xian sa kanilang balik-tambalan.
“I am very happy to be given this opportunity by ABS-CBN family and Dreamscape.
“It’s always fun to be around them. I am so proud and happy na napabilang po ako dito. And of course, kay Kim, ang tagal na naming hindi nagkasama. It feels different but at the same time ‘yung enrrgy and chemnistry is still there. It feels like the first time that I was working with Kim,” he added.
Iikot ang kwento sa isang modernong Filipino-Chinese family na pinamumunuan ng amang si Adam (Christopher) na ang hangad ay mahalin nang pantay ang dalawa niyang pamilya – ang unang asawang si Lucy (Eula) at anak nilang si Dana (Yam), at ang pangalawang asawang si Kai (Sunshine) at anak niya ritong si Jia (Kim).
Kahit na tanggap ng dalawang asawa ang sitwasyon, patuloy pa rin ang alitan sa pagitan nila at maapektuhan nito ang relasyon ng kanilang mga anak.
Isang gabi ang wawasak sa pamilyang Wong dahil maaaksidente si Dana at ang asawa niyang si David (Xian) sa gabi ng kanilang kasal, at malalagay sa coma si Dana.
Habang hinihintay nilang magising si Dana, mabububuo naman ang mas malalim na relasyon sa pagitan nina Jia at David na gugulo sa kanilang buong angkan.