Lee Min Jung, Lee Sang Yeob magtatambal sa ‘I’ve Returned After Marriage’

MAGTATAMBAL naman ang female lead ng “Cunning Single Lady” na si Lee Min Jung at ang magaling na aktor na si Lee Sang Yeob sa seryeng “I’ve Returned After Marriage” na mapapanood na sa Marso.

Iikot ang kuwento ng serye sa magulong divorce story ng pamilyang Song na mauuwi sa muling pagkadiskubre ng pag-ibig at pagmamahal sa pamilya.

Makakasama rin dito si Oh Yoon Ah na gaganap bilang kapatid ni Min Jung.

Gaganap si Min Jung bilang Song Na Hee, isang matalino at ambisyosang younger sister, samantalang si Song Ga Hee naman ang gaganap na Yoon Ah, isang magandang flight attendant na bumalik sa kanilang bahay kasama ang anak na lalaki matapos ang kanyang divorce.

Samantala, gaganap naman si Sang Yeob bilang Yoon Kyu Jin, ang mister na dktor ni Na Hee.

Bukod sa “Cunning Single Lady,” kabilang din sa drama ni Min Jung ay ang Smile, You (2009), Cyrano Agency (2010), Wonderful Radio (2012), Big (2012), at Come Back Mister (2016).

Samantala, kabilang sa mga K-drama na pinagbidahan ni Sang Yeob ay ang Give Love Away (2013) at ang Love Affair in the Afternoon.

Read more...