IPINAG-UTOS ni Manila Mayor Isko Moreno sa mga lokal na otoridad na hanapin ang pinaghihinalaang banyaga na umano’y dumumi sa pampublikong lugar sa Intramuros.
“Moreno ordered Manila Police District-Special Mayor’s Reaction Team chief Maj. Rosalino Ibay Jr. to conduct a manhunt,” sabi ng Manila public information office.
Ito’y matapos mag-viral sa social media ang litrato ng isang banyaga habang nagbabawas.
Makikita sa mga litrato na nakaupo ang isang lalaking tila Tsinoy sa isang malaking paso sa makasaysayang Intramuros wall kung saan nakababa ang pantalon nito na tila dumudumi.
Inatasan na rin ni Moreno si Department of Tourism, Culture, and Arts of Manila chief Charlie Duñgo makipag-ugnayan sa Intramuros Administration.
MOST READ
LATEST STORIES