Alden may mahabang pasensiya para sa mga bashers

ALDEN RICHARDS

Nasa estado ngayon si Alden Richards na para siyang isda sa aquarium. Dahil sikat na sikat nga siya, lahat ng mga kilos niya ay binabantayan ng publiko, lalo na ng mga walang magawang bashers niya.

Kumanan siya ay may nasasabi ang mga hindi maligaya sa kanyang tagumpay, kumaliwa siya ay ganu’n pa rin, meron at meron pa ring hahalungkatin ang kanyang mga bashers para lang mabutasan siya.

Ang pagiging sentro na raw ng mga pamba-bash ang barometro ngayon ng kasikatan ng mga artista. Mas maraming bashers, mas sikat ang personalidad, kapag walang bashers ay walang dating ang artista.

Sikat na sikat na nga ang Pambansang Bae dahil lahat na lang ng gawin niya ay binibigyan ng ibang interpretasyon ng mga taong gusto siyang makitang bumabagsak.

Mabuti na lang at ipinanganak at lumaki si Alden na may mahabang pisi ng pasensiya, meron siyang pinaiiral na pang-unawa sa mga taong ayaw sa kanya, hindi siya pumapatol sa mga taong nag-aaksaya lang ng laway sa pagpuna sa kanya.

Sabi ni prop, “That’s the right thing to do, Ignore them! ‘Yun ngang hindi mo na sila pinapansin, e, may nasasabi pa rin sila, ‘yun pa kayang bibigyan mo sila ng time?

“Let them talk, let them do their thing, kung ‘yun ang kaligayahan nila, so be it!” madiing payo ni prop.

Mismo!

Read more...