Rita ma-miss ang boodle fight sa ‘OOTB’, Ken nagpasalamat sa ‘JoWant’ fans

RITA DANIELA AT KEN CHAN

Halos sabay na magtatapos ang The Gift at ang isa pang Kapuso series na One of the Baes. Nagkuwento ang lead stars nitong na sina Ken Chat at Rita Daniela kung ano ang mami-miss nila sa serye.

Sabi ni Ken, “Ang pinakamami-miss ko is ‘yung mga taong nakatrabaho ko, mula sa actors, sa lahat ng cast, and ‘yung mga staff, mami-miss ko silang lahat.

“Kalahating taon din kaming nagsama-sama simula noong premiere ng One of the Baes, para kaming pamilya.

“Looking forward akong magtrabaho, never akong nawalan ng gana dahil ang sarap magtrabaho at ang sarap nilang katrabaho, ang gaan-gaan,” sabi pa ng aktor.

Dagdag pa niya, “Mami-miss ko rin ‘yung mga locations. Napamahal ako sa mga locations namin, dito sa Mariveles, Bataan at ‘yung MAAP kung saan kami nag-aral, dahil meron kaming mga totoong estudyante na gustong maging marino.”

Siyempre nagpasalamat din si Ken sa fans ng tambalang JoWant (Jowa and Grant, mga karakter nila sa OOTB), “Mami-miss ko ‘yung supporters ng JoWant. Mami-miss ko ‘yung ‘pag tumitingin ako sa social media, nakikita ko ‘yung supporters ng One of the Baes.”

Pahayag naman ni Rita, mas nahasa pa sa show ang pagiging aktres niya, “Mami-miss ko ‘yung samahan at ‘yung pa-boodle fight. Towards the end of the show, palagi kaming nagbu-boodle fight so para kaming kumakain na pamilya na sabay-sabay.

“Kung meron akong pinakamahirap na show na ginawa, siguro ito na ‘yun. Kasi na-challenge talaga ako physically at emotionally kasi ‘yun ‘yung hinihingi ng character kong si Jowalyn.

“Marami kami laging activities. Kahit na mahirap siya, mami-miss ko ‘yun,” dagdag ni Rita.

Read more...