Alden inaatake na ng ‘sepanx’, pahinga muna sa aktingan

ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

PAHINGA muna si Alden Richards sa aktingan kapag natapos na ang teleserye niyang The Gift sa GMA 7.

Ang pagiging host naman ang susunod niyang magiging paandar sa pinakabagonf talent search na Centerstage.

Sa totoo lang, ang The Gift ang longest series na ginawa ni Alden sa GMA na tumagal ng dalawang season kaya hindi kataka-takang naging malapit na malapit na sa kanya ang mga katrabaho niya sa show mula sa production staff hanggang sa mga kapwa niya artista.

Umaasa ang Asia’s Multimedia Star na muli niyang makakatrabaho ang mga co-stars niya sa serye.

Gaya ng ibang artistang napalapit na sa kanilang co-stars, nakadarama rin ng separation anxiety si Alden.

Sa nalalapit na pagtatapos ng The Gift wala pang katiyakan kung ang Descendans of the Sun nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado ang ipapalit dito. Posible rin kasi na ang First Yaya ni Marian Rivera ang biglang isalang ng GMA.

Read more...