P142M jackpot hindi nasungkit

WALANG tumama sa P142.5 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola Biyernes ng gabi.

Hindi nakuha ang winning number combination na 38-34-30-06-44-21, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office.

Nanalo naman ng tig-P268,670 ang limang mananaya na nakakuha ng limang numero.

Tig-P2,300 naman ang 466 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P24 taya ng 11,377 mananaya na nakatatlong numero.

Muling bobolahin ang Ultra Lotto sa Linggo.

Read more...