‘Kain Pepe’ kinondena ng Gabriela

KINONDENA ng Gabriela Women’s Party ang marketing campaign na Kain Pepe (KPP) clothing line na nag-viral sa social media dahil nagpapaliit umano sa tingin sa mga kababaihan.

Sa isang pahayag, sinabi ng Gabriela na hindi dapat itrato ang mga babae bilang mga bagay.

“Women are not objects of pleasure and satisfaction. This shameless advertising and display of merchandise that degrade, objectify and hyper sexualize young girls contributes to gender stereotypes that trivialize violence against women and children,” saad ng Gabriela.

Dapat umanong sumailalim ang mga may-ari ng KPP brand sa Gender Sensitivity Training upang maliwanagan ang isipan ng mga ito sa gender concerns at issues.

“We urge Kain Pepe clothing line to correct this damaging error. We also encourage women to register the widest indignation over the rampant misogyny and sexism pervading our society.”

Nanawagan din ang Gabriela sa publiko na lumahok sa 8th annual One Billion Rising sa Pebrero 14.

Read more...