P3-M top prize nakataya sa Laban ng Lahi Platoon Run

NAG-THUMBS-UP ang lahat para sa ikatatagumpay ng ikaapat na edisyon ng Laban ng Lahi 23K Platoon Challenge One Nation, One People, One Philippines na gaganapin sa Setyembre 17-19 sa Bislig City, Surigao del Sur. Pamumunuan nina chairman/founder Joenel Pogoy, Bislig Vice Mayor Jonas Cacayan, Mayor Chief of Staff Oscar Macua, race director Nicanor Gandeza at Rosendo Campos sa Tramway Buffet Plaza Sabado.

TUMATAGINTING na P3 milyong premyo ang iuuwi ng kampeon sa ika-4 edisyon ng Laban ng Lahi Platoon Run na aarangkada sa Setyembre 17-19 sa Bislig, Surigao del Sur.

May temang One Nation, One People, One Philippines, ang karera ay suportado ng lokal na pamahalaan ng Bislig City at kasabay ng pagdiriwang ng charter day ng lungsod.

Maliban sa P3 milyon na iuuwi ng platoon team champion, ang second at third place teams ay tatanggap ng P800,000 at P500,000 ayon sa pagkakasunod.

Kailangan naman na 29 sa 31 kasaling runners kada koponan ang tumapos sa karera para mag-qualify sa top three major prize. Kailangan din na mayroong tatlong babaeng runner ang bawat koponan na kalahok.

Pangungunahan ng defending champion Calabarzon ang inaasahang mahigit 50 koponan na lalahok sa mala-team time trial na karera.

Nauna nang nagpahiwatig na lalahok sa naturang platoon run si Senator Manny Pacquiao, ayon sa founder at race organizer ng event na si Joenel Pogoy.

May entry fee na P100,000 kada team kung saan mayroong free airfare at accommodation ang mauunang 20 koponan na magpaparehistro.

Read more...