Maine pang-special ng GMA; bibida naman sa Valentine episode ng #MPK

MAINE MENDOZA

PANG-SPECIAL episode talaga ang byuti ni Maine Mendoza sa mga weekly programs ng Kapuso Network.

Huli siyang napanood sa Christmas special ng Daig Kayo ng Lola Ko last month kung saan gumanap siyang balerina.

This time, mapapanood naman si Meng sa isa na namang super challenging role para sa Valentine special ng Magpakailanman hosted by Mel Tiangco.

Muli niya makakapareha rito si Ruru Madrid na nakasama na niya sa ilang episode ng Kapuso sitcom na Daddy’s Gurl.

Masusubukang muli ang kakayahan nina Maine at Ruru sa pagdadrama sa espesyal na episode na ito ng #MPK.

Samantala, ngayong gabi sa Magpakailanman, tampok ang kuwento ng mga mangingisdang bading na na-feature sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

Bibida bilang mga fisher gay sina Jak Roberto, Dave Bornea at Raphael Robes mula sa direksyon ni Zig Dulay.

Read more...