‘Kampon’ ni Kris hindi na isasali sa Summer MMFF

KRIS AQUINO

Wala nang plano ang lawyer-producer-director na isali ang naunsyaming horror project ni Kris Aquino na “(K)Ampon” sa kauna-unahang Metro Manila Summer Film Festival.

“Malabo na siguro. Blessing na rin nu’ng ma-disaqualify ito last MMFF,” saad ni Atty. Joji nang makausap namin kamakailan.

Ilang milyones din ang inilabas ni Atty. Joji sa project ni Kris dahil nakapag-shoot na sila nang ilang araw kasama si Gabby Concepcion. Nang ma-disqualify sa 2019 MMFF, may fine pa siyang binayaran.

Mabuti na lang at sumosyo siya sa Pista ng Pelikulang Pilipino entry last year, ang “Panti Sisters” na naging top-grosser na humakot pa ng awards.

Balitang magkakaroon daw ng sequel ang movie na pinagbidahan nina Paolo Ballesteros, Martin del Rosario at Christian Bables. Pero hanggang ngayon ay wala pang kumpirmasyon ang lawyer-producer-director tungkol dito.

Read more...