Kisses Delavin nilinaw ang isyu ng pa-diva attitude

KISSES DELAVIN

Nilinaw ni Kisses Delavin ang isyu tungkol sa pagkakaroon umano ng diva attitude mula nang makilala sa mundo ng showbiz.

Sa guesting niya Mars Pa More, sumalang siya sa isang game kasama ang kanyang co-star sa pelikulang “D’Ninang” na si Angel Guardian kung saan nagkaroon sila ng mock mugshots habang nagkukuwento tungkol sa mga misconception ng tao about them.

Pahayag ng dalaga, “Ako po si Kisses Delavin at ang kaso ko po is what you see is what you get.” Singit na tanong ng host ng show na s Camille Prats, “Paano ba naging kaso ‘yan, mars?”

Tugon ni Kisses, “Kasi sa showbiz kailangan mong gawin yung ibang bagay na minsan hindi ka komportableng gawin, and minsan nagkakaproblema po ako kapag hindi ko ginagawa ‘yung kailangan kong gawin.” Na siyang dahilan kung bakit daw nababalita na may attitude siya or choosy sa projects.

Read more...