Kakaibang Daniel sa pelikula ni Charo; Kathryn naka-1M agad sa Youtube

KATHRYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA

Mananatiling Kapamilya ang reel at real life sweethearts na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla after they inked a three-year contract nitong Jan. 15.

Ito’y matapos ng more than a year ng pagkakaroon ng kanya-kanyang projects (Hello Love Goodbye in the case of Kathryn opposite a different leading man).

Ibinahagi ng phenomenal box office couple ang kanilang sentimyento ukol sa kung anong dapat abangan ng kanilang fans now that they’re back together via “Tanging Mahal.”

“Makakaasa sila ng bago, siyempre, ang tagal din naming hinihintay na mangyari ito ulit,” ani Daniel.

Apart from this, nabanggit din ni Daniel ang kanyang excitement over his movie “Whether the Weather is Fine” kasama ang ABS-CBN executive at beteranang aktres na si Charo Santos-Concio. Kakaiba is how he describes it.

As for Kathryn, she can’t be any happier with the support na nakukuha niya mula sa kanyang YouTube channel, ang “Everyday Kath.” Sa loob lamang ng dalawang linggo matapos mailabas ang kanyang unang vlog, umabot na sa halos isang milyon ang kanyang subscribers.

Read more...