outbrain

Tanong ng madlang pipol: Buntis na ba si Alex kaya minamadali ang kasal?

By Cristy Fermin January 25,2020
share this

Tanong ng madlang pipol: Buntis na ba si Alex kaya minamadali ang kasal?

By Cristy Fermin January 25,2020
share this

MIKEE MORADA AT ALEX GONZAGA

Sa kabila ng halos wala na siyang kapahi-pahinga sa pagba-vlog at pagtatrabaho ay kailangan siyempreng bigyan ng panahon ni Alex Gonzaga ang paghahanda para sa pagpapakasal nila ni Konsehal Mikee Morada.

Kailan lang ay umalis ang magkarelasyon papunta sa Singapore para sa bridal gown ng singer-actress, mabilis namang natugunan ang gusto ni Alex, kaya hindi na nila problema ngayon ang isusuot niyang traje de boda.

Dahil du’n ay maraming nag-iisp na baka nagdadalantao na raw ang payatolang aktres. Bakit daw kasi katatapos lang ng kanilang engagement nu’ng December 27 ay damit-pangkasal na agad ni Alex ang kanilang inasikaso?

Hindi tayo nakabantay nang beinte kuwatro oras kay Alex, pero matindi ang disiplina niya, tulad din ng kanyang Ate Toni na nagpakasal kay Direk Paul Soriano na walang bahid ang pagkababae.

Hindi puwede sa kanilang mga magulang ang pre-marital sex, alam na alam namin ‘yun, matagal naming nakasama sa trabaho si Alex nu’n sa TV5.

Mukhang bagets lang si Alex dahil sa liit ng kanyang pangangatawan, pero treinta’y dos anyos na siya ngayon, panahon na talaga para makapagbuo sila ng pamilya ni Mikee Morada.

Dadalawa lang silang magkapatid, pareho pang babae, parang nakikinita na namin na kapag nag-asawa na si Alex ay magiging malungkot na ang kapaligiran sa kanilang tahanan.

Ganu’n naman talaga. Sabi nga, ang mga anak daw ay pahiram lang sa mga magulang, kapag dumating na ang takdang oras ng paglagay sa tahimik ay wala silang ibang pamimilian kundi ang bigyan ng basbas ang kalayaan ng kanilang anak.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending