Babaeng magsasaka patay matapos makagat ng kobra sa Abra

PATAY ang isang 60-anyos na babae matapos makagat ng kobra sa Danglas, Abra noong Martes, ayon sa pulisya.

Sa naantalang ulat mula sa pulisya, kinilala ang biktima na si Drucila Layugan, isang magsasaka.

Natagpuan ang biktima na walang malay sa bukid sa barangay Cabaruan.

Nakita ng mga rescue personnel ang isang patay na kobra 10 metro ang layo kung saan natagpuan sa Layugan.

Tinangka pang i-revive si Layugan ng mga rumespondeng rescuer na nagtamo ng limang marka ng kagat ng ahas sa kanyang braso at balikat.

Pumunta si Layugan sa bukid para alamin ang kalagayan ng mga alagang kambing nang mangyari ang insidente.

Read more...