ABS-CBN franchise diringgin sa Pebrero

WALANG maipapangakong desisyon ang Kamara de Representantes sa isyu ng pag-renew sa prangkisa ng ABS-CBN pero ang tiniyak ni Speaker Alan Peter Cayetano ay diringin ito ng komite.

Nakausap na umano ni Cayetano ang chairman ng House committee o franchise na si Palawan Rep. Franz Alvarez na nagsabi na magsasagawa ng pagdinig sa unang linggo ng Pebrero.

Mayroon umanong 40-50 franchise na diringin ang komite at ang uunahin ay kung sino ang unang nakakompleto ng requirements.

“I’ll just reiterate ano that we have committed to the Filipino people that we will have fair hearings that we will hear issues and also hear the replies and we cannot promise you any decision until we finish the hearings to be fair with everyone,” igiit ni Cayetano.

Mahalaga umano na marinig ang mga nag-aakusa na mayroong paglabag ang ABS-CBN sa prangkisa nito at kung ano ang angkop na parusa.

“Pag may violation ka ng franchise pwedeng hindi i-grant but ang caveat diyan hindi lahat ng violation di ba parang sa high school yan iba yung kick out, iba yung suspended iba yung pagsasabihan ka lang,” saad ng lider ng Kamara. “Not all violations of the franchise is equivalent to not granting the franchise….”
Mahalaga umano na marinig ang dalawang panig kaya payo ni Cayetano “doon sa pro-ABS makinig muna kayo sa anti. Doon sa mga anti makinig muna kayo sa pro kasi habang di pa lumalabas lahat ng issue, yes lumalabas sa media pero sound bites yan eh. even yung mga petitions sound bites yun hindi yan yung kabuuan nito.”

Sa Marso mapapaso ang prangkisa ng ABS-CBN.

Nauna ng sinabi ni Pangulong Duterte na tutol ito sa renewal ng prangkisa at pinayuhan ang mga may-ari na ibenta na lamang ito.

 

Read more...