Kahoy nakuha sa pwet ng nasawing OFW

MAYROONG piraso ng kahoy na nakuha umano sa puwet ng namatay na domestic helper na si Jeanelyn Villavende batay sa autopsy report.

Ayon kay TUCP spokesman Alan Tanjusay sa isinumiteng autopsy report ng National Bureau of Investigation sa House committee on Overseas Workers Affairs mayroong indikasyon na ito ay ginahasa at sinaktan ng labis.

“NBI examiners found a piece of broken wood in her anus,” ani Tanjusay. “The autopsy report showed she was also sodomized by her assailant using a piece of wood into her anal opening as evidenced by the contusions and by a piece of wood left inside her vagina.”

Posible rin umano na ilang linggo ng hindi pinakain si Villavende bago ito namatay noong Disyembre 28. Nagbago rin umano ang itsura ng biktima na hindi nakilala agad ng kanyang stepmother.

Sinabi naman ni Rizal Rep. Fidel Nograles na mayroong debate kaugnay ng probisyon na magbabawal sa pagpapadala ng household service workers sa ilalim ng itatayong Department of Filipinos Overseas and Foreign Employment.

Sa ilalim ng probisyon, ayon kay Nograles, tanging skilled at semi-skilled workers ang papayagang magtrabaho sa ibang bansa.

Naniniwala si Nograles na lalo lamang maabuso ang mga domestic helper kapag ipinagbawal ito.

“HSWs are historically the most vulnerable among the OFW sector. Sila ang nabibiktima ng human trafficking at pang-abuso. Lalo pa’t hindi natin masisiguro na hindi na makikipagsapalaran ang mga kababayan natin sa kabila ng phase out sa HSW deployment, mas mabuti kung magkaroon tayo ng probisyon na nagtitiyak na mabibigyan sila ng karampatang proteksyon,” ani Nograles.

Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration sa 459,080 bagog OFW noong 2017, 251,349 ang HSW.

Sinabi ni Nograles na dapat bilisan ang pagtatayo ng DFO-FE upang magkaroon ng departamento na tututok sa pangangailangan ng mga OFW na itinuturing na bagong bayani dahil sa kanilang kontribusyon sa ekonomiya.

“Nakipag-ugnayan tayo sa mga OFWs sa Abu Dhabi, United Arab Emirates, upang alamin ang kanilang kalagayan at mga suliranin upang mas matugunan ng ating panukalang batas na Department of Filipinos Overseas Act ang kanilang mga pangangailangan,” dagdag pa ng solon.

Read more...