5 sugatan, P1.5M naabo sa sunog sa Tondo

LIMA katao, kabilang ang isang bumbero, ang nasugatan habang tinatayang P1.5 milyon halaga ng ari-arian ang naabo nang lamunin ng apoy ang isang grupo ng mga bahay sa Tondo, Manila, Huwebes ng madaling-araw.

Kabilang sa mga sugatan sina Reynaldo Tostuna Jr., 46; Mike Dimalanta, 23; Robert Santilises, 41; at isang JL Data, 27, na pawang mga nagtamo ng sugat sa kamay at pasa sa braso, ayon sa ulat ng Manila Police District.

Sugatan din si FO2 Morishima Bulasa, 27, na nagtamo ng sugat sa daliri.

Nagsimula ang apoy sa isang bahay sa Lico st., Brgy. 210, Zone 19, dakong alas-12:54.

Kumalat ito sa tinatayang 75 pang bahay at tinatayang 120 pamilya ang naapektuhan, bago naideklarang “under control” ng mga bumbero alas-4:22.

Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng apoy, ayon sa pulisya.

Read more...