Hunk actor matagal nang gustong layasan ang GF na aktres

PARANG pusa na kumain ng kanyang isinuka ang isang kilalang female personality. Inilagay niya sa alanganin ang kredibilidad ng marami nang ilabas ang kuwento ng paghihiwalay nila ng kanyang ka-live-in na boyfriend.

Pinutakti ng bashing ang naglabas ng istorya ng kanilang paghihiwalay, siya rin mismo ay nagpakatapang sa pang-aaway sa kolumnista, pero anyare?

Kuwento ng isang source, “Ano na, 2020 na! Anyare? Halos isumpa na niya ang naglabas ng balita na hiwalay na sila ng boyfriend niya, di ba?

“Sinaktan niya ‘yung writer, kung anu-anong salita ang ipinukol niya du’n sa tao, kaya naman nakisali na rin sa bashing ang mga kampon niya!

“Pero ngayon, nganga silang lahat!” madiing pahayag ng chikadora naming impormante.

Nagluluksa ngayon ang mga faney ng loveteam sa harap at likod ng mga camera, nakapanghihinayang daw naman ang apat na taon nilang relasyon, pinagbibintangan nila ngayon ang isang girl na diumano’y nang-agaw sa kanilang idolong babae sa tinitilian nilang aktor.

Balik-kuwento ng aming source, “Napakatagal na ng picture na ginagawa nilang ebidensiya! Taon na ang nakaraan nu’ng kunan ang picture na ‘yun!

“Kung anu-anong fake news ang pinalalabas nila ngayon, kesyo nilandi raw ng girl ang idol nila, ‘yun daw ang dahilan ng break-up ng magdyowa!

“Puwede ba, tantanan na nila ang pangdadamay ng mga taong wala namang kinalaman sa hiwalayan? Pati ang mga nananahimik na tao, e, kinakaladkad nila para lang kunwari, e, nagkaroon ng third party kahit wala naman!

“Bakit kasi hindi nila matanggap na matagal nang gustong hiwalayan talaga ng male personality ang girl, pero meron lang pumipigil sa kanila dahil pinagkakabuhayan nila ang kanilang loveteam!

“Ano ngayon ang masasabi ng nagmamatapang na girl, may ihihirit pa ba siya? Sasabihin ba niya uli na mapagkalat ng fake news ang mga reporters?

“Naghahakot na siya ng mga kagamitan niya ngayon sa house kung saan sila nag-live-in ng boyfriend niya, di ba? ‘Yun ba ang fake news?

“Naku, tantanan na ang kadramahan, 2020 na! Ano na?” madiin uling resbak ng aming source sa nagmamatapang na female personality.

Alam na this, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, napakadaling tumbukin kung sinu-sino ang magdyowang ito!

Read more...