NAGULANTANG si Iza Calzado nang bigla siyang nadamay sa kontrobersyal na hiwalayan nina James Reid at Nadine Lustre.
Isang mahaderang netizen, na may handle name na @ginalingan, ang nag-post sa social media ng picture ni Iza at saka nagsabing, “Kung totoo ang isyu sana masaya ka sa ginawa mo kay James at kay Nadine.”
Siyempre, na-shock ang aktres kaya agad siyang nag-post sa kanyang Instagram stories, “People of the Philippines, anong kaguluhan ito???? Ha! Ha! Ha! May asawa na ako! Lord!
“But wait there’s more! Does this mean pasok pa ako sa early 20s market? May asim pa si Tita Iza? Wrong account though! Ha! Ha! Ha!
“Pero seryoso ako guys, sad ako nang break ang #Jadine,” mensahe pa ni Iza para sa lahat ng nagtatanong kung bakit bigla siyang nadamay sa break up ng JaDine.
Naku, feeling ko nalito lang ang mga fans sa isyu. Si Issa Pressman ang pinagbibintangang third parry sa break up ng JaDine at hindi si Iza Calzado!
Mga syunga! Ha! Ha! Ha! Sounds like lang ang Issa at Iza pero magkaiba silang tao, huh!