Migo Adecer sa nagdaang 2019: Sobrang lala! Pero nakabangon!

PUNO ng mga bagong experience at lesson ang taong 2019 para sa StarStruck Ultimate Male Survivor na si Migo Adecer.

“Malala! Sobra!” deklara ni Migo nang makausap ng mga members ng entertainment press sa mediacon ng bago niyang seriessa GMA, ang “Anak ni Waray Vs Anak ni Biday.”

“’Yung maturity ko, ‘yung journey to adulthood, grabe ang natutunan ko. Mas ready na ako sa 2020,” dagdag pa niya.

“Siyempre kapag may ginagawa kang masama, pinapalo ka. And napalo ako!

“From there, dalawang decision lang. Either I follow it or I repeat it. Luckily, matalino naman ako. I chose to learn from it.

“From Sahaya, my work ethics, I became more professional, gave importance to my work,” deklara pa ni Migo.

Eh, in love na rin siya ngayon sa isang non-showiz girlfriend na si Katrina Mercado at one year na silang magkarelasyon ngayon.

Kaya naman masasabing maswerte pa rin si Migo dahil sa kabila ng mga kontrobersyang kinasangkutan niya last year, nakabangon pa rin siya at patuloy na nabibigyan ng trabaho sa Kapuso Network.

Read more...