“WALANG lovelife, mahal pumasok sa relasyon, wala pa akong pera (pang-date)!”
Ito ang nakatawang sabi ni Marco Gallo nang makausap namin sa premiere night ng “NightShift” nitong Martes sa SM Megamall cinema 7.
Isa si Marco sa mga celebrities na sumuporta sa unang horror movie ni Yam Concepcion na kasama niya Viva Artists Agency at kay direk Yam Laranas na direktor din ng aktor sa natapos nitong pelikula na malapit na ring ipalabas.
Base sa kuwento ni Marco ay may gagawin siyang TV series pero hindi niya nabanggit kung saang TV network.
Sa mga hindi pa nakakaalam, iniidolo ni Marco sina James Reid at Nadine Lustre bilang loveteam. Ayon sa ilang mga taga-Viva, ang aktor na ang papalit kay James dahil kumawala na nga ito sa management ni Boss Vic del Rosario. Hiningan na rin namin ng reaksyon ang aktor sa hiwalayang JaDine.
Napangiti muna si Marco bago nagbigay ng pahayag , “Okay, about this, I really feel sorry for what happened. I’ll always look up to them and then hearing out that they’re not partners anymore in real life that hurts me a lot because they’re one of the loveteams na talagang kinikilig ako. At sa totoo lang tao rin din naman sila, so, I respect them for breaking up.”
Suportado pa rin daw ni Marco ang dalawa kahit hiwalay na tulad din ng ibang JaDine fans na nagsabing patuloy nilang susuportahan ang mag-ex kahit ano pa ang mangyari.
Sa napipintong pagsasama naman nila ni Nadine sa isang proyekto under Viva, “Hindi naman ako humihindi, whenever she’s ready bakit naman hindi po,” sambit ni Marco.
Ramdam ngayon ng binata ang napi-feel ng mga tagasuporta ng JaDine loveteam lalo na sa bashers. Pero aniya, umaasa siyang magiging maayos din ang lahat.
Samantala, nakausap namin si direk Yam Laranas tungkol sa pelikula nila ni Marco at nasabi nga niya na ang titulo ng horror movie nila ay “Unsome” kasama sina Ryza Cenon, Rein Escano, Andrew Muhlach, Marco Gumabao at Ella Cruz.
“Kumbinasyon ng slasher movie at supernatural naman ‘yun,” pahayag ng direktor.
Kung tama ang intindi namin ay mala-“I Know What You Did Last Summer” ang atake ng pelikula.