outbrain

Kabogerang female singer nakarma dahil sa kaangasan, sumablay sa pagbirit

By Cristy Fermin January 22,2020
share this

Kabogerang female singer nakarma dahil sa kaangasan, sumablay sa pagbirit

By Cristy Fermin January 22,2020
share this

PINAGPIPISTAHAN pa hanggang ngayon sa maraming umpukan ang isang kilalang female singer na sa tuwing umaakyat sa entablado ng isang musical variety show ay tangkang kabugin ang lahat ng kanyang mga kasamahang singers.

Sa mga production numbers ng programa ay palaging kasali ang female performer, marami silang kumakanta, kani-kanyang arya sila sa mga piyesang nakatoka sa kanila.

Pero maraming nakakapansin na kakaiba ang atake ng isang female singer, kailangang siya ang pinapalakpakan pagkatapos ng prod number, siya dapat ang bida dahil sa kanyang wagas na wagas na pagbirit.

Kuwento ng aming source, “‘Yun ang feeling ng mga miron sa show, wala siyang ibang intention kundi ang kabugin ang mga kasamahan niya! Sobrang kinakarir niya talaga ang pagbirit!

“Palaging birit nang birit ang loka kahit puwede niya namang tapusin ang part niya sa simpleng pagkanta lang! Binabali-bali niya ang mga tono, tinataasan pa niya ang key ng song, para siya ang lumabas na pinakamagaling sa kanilang lahat!” umpisa ng aming impormante.

Pero nitong huli ay napahiya ang female singer, gusto niyang kabugin ang mga kasamahan niya, pero siya ang napahiya dahil sa pagbirit niya nang alanganin.

Patuloy ng aming source, “Magagaling silang lahat sa prod number, impernes, pero ang gusto nga ng hitad, e, ang kabugin ang mga kasamahan niya!

“E, kasama sa prod ang isang baguhan lang, pero kabogerang female singer na product ng isang talent search. Grabeng mag-whistle ang babaeng ‘yun!

“Para talaga siyang ibon kung bumanat, simpleng-simple lang ang atake niya, pero nagmamarka! Pinapalakpakan talaga siya dahil sobrang galing niya!

“‘Yun ang gustong kabugin ng hitad na female singer, pero hindi niya kakampi ang panahon, pumiyok ang kabogerang singer! Siya ang kinabog ng mga kasabayan niya!

“Pinaglaruan tuloy siya sa social media, ganu’n daw talaga ang napapala ng mga babaeng gustong mangabog, sila ang kinakabog!

“Akala nga ng mga nandu’n, e, magwo-walkout ang female singer sa sobrang pagkapahiya, tutal, ganu’n naman siya, bigla na lang siyang nawawala sa eksena!” pagtatapos ng aming impormante.

Naku naman, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, may iba pa ba naman? Alam na this!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending