Isda sa Taal pwede kainin

LIGTAS kainin ang mga isda mula sa Taal Lake, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Sinabi ng ahensya na nagsagawa sila ng laboratory analyses sa tubig at fish samples sa Taal Lake at lumitaw na ligtas kainin ang mga ito.

Pero ayon sa BFAR, kailangang matiyak na malilinis nang mabuti at maluluto nang tama ang mga isda bago kainin.

Una rito ay nagbabala ang Department of Health sa mga residente na huwag bumili at kumain ng isda na galing sa Taal Lake.

Ayon sa DOH maari itong magdulo ng pasusuka, diarrhea at pananakit ng tiyan.

May mga isda pa ring nahuhuli sa Taal Lake.

Ang iba namang isda ay mula sa mga nasalantalang fish cages nang pumutok ang Bulkang Taal.

Read more...