Vice may hinahanting na bagets: Humanda kang bata ka, ipahahanap kita!

VICE GANDA

Hina-hunting ni Vice Ganda ang isang napaka-cute na batang babae na gumagaya sa kanya sa social media.

The host of Gandang Gabi, Vice posted a series of photos ng panggagaya ng fashionista girl sa kanyang Twitter account.

“Cant get over these photos!!!! San ko ba mahahagilap tong batang to?! Humanda kang bata ka ipapahanap kita!!! Di ako makakatulog sa kakyutan mo!”

‘Yan ang magkasunod na message ni Vice sa kanyang Twitter account. Talagang hindi kinaya ng powers ni Vice Ganda ang kakyutan ng batang babae. Gayang-gaya kasi nito ang mga long gowns and dresses niya kaya siguro balak niya itong i-guest sa GGV.

Marami naman ang tumugon. May mga nag-offer kung saan matatagpuan ang bata sa social media.

“Meme taga Cavite po yan.”

“Yellastar official!! On FB.”

“Oo nga gayang gaya nga nia c meme Vice.”

 

Read more...