Baron tatay na: I’m in love, thank you Jesus!

BARON GEISLER AT BABY TALITHA CUMI

Mukhang tuluy-tuloy na nga ang pagbabagong-buhay ni Baron Geisler. Matagal nang walang ibinabatong issue sa kanya at hindi na rin siya nasasangkot sa anumang kontrobersiya.

At siguradong mas mai-inspire pa ngayon ang magaling na aktor dahil isinilang na nga ang panganay nila ni Jamie Evangelista.

Ipinanganak ni Jamie ang kanilang baby girl kamakalawa sa Chong Hua Hospital Cebu City. Agad na ipinost ni Baron sa kanyang Facebook ang litrato ng sanggol na pinangalanan nilang Talitha Cumi. Nilagyan niya ito ng caption na, “I’m in love #Imagine #TalithaCumiGeisler #LittleGirlArise #ThankYouJesus [thank you emoji].”

In fairness, ilang sandali lang mula nang ibahagi ni Baron ang photo ng kanilang baby ay umabot na sa 2,500 ang likes nito sa FB at daan-daan namang mensahe ang kanilang natanggap mula sa netizens.

Ikinasal sina Baron at Jamie sa isang civil wedding ceremony noong Sept. 12, 2019.

Read more...