Libreng checkup, lab test

Magandang araw po Aksyon Line.
Magandang araw din po sa inyo, Ms. Liza.
Ako po si Marisa Guevarra, 28 years old at empleyado ng isang kumpanya sa Taguig. Nais ko na po sanang lumipat ng pagtatrabahuhan pero ang dami pong kailangang tests doon bago makapasok.
Itatanong ko lang po sana kung mayroon po bang libreng general checkup at laboratory tests ang PhilHealth para po sana makakuha po ako nang libre kasi hindi rin naman po kalakihan ang sahod ko sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ko.
Sana po ay matulungan niyo ako. Magandang araw po ulit. At maraming salamat po. More power po sa inyo!
Lubos na ‍‍‍
gumagalang,
Marisa Guevarra
Sa ilalim ng bagong batas na Universal Health Care o RA 11223, ang pagbibigay ng primary care benefit package sa bawat Pilipino ay isa sa inaasam na maipatupad para masiguro lalo ang kalusugan.
Sa ngayon ay sinisimulan pa lang po ito ng PhilHealth, inuna na ang mga mahihirap na may nakukuhang check up sa mga accreditted health centers.
Hindi pa po na papasama ang mga nasa employed sector at dun sila papasok sa expanded pcb o yung tinatawag na Konsulta Package.
Para sa karagdagang impormasyon ay tumawag lang po kayo sa PhilHealth Action Center sa (02) 8-4417442
***
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
***
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq

Read more...