Chito, Neri nakipagtalakan sa basher dahil sa kalamansi | Bandera

Chito, Neri nakipagtalakan sa basher dahil sa kalamansi

Ervin Santiago |January 21,2020
facebook
share this

Chito, Neri nakipagtalakan sa basher dahil sa kalamansi

Ervin Santiago - January 21, 2020 - 12:02 AM

NERI NAIG AT CHITO MIRANDA

NANG dahil lang sa calamansi ay nakipagsagutan ang mag-asawang Chito Miranda at Neri Naig sa kanilang mga bashers.

Nagsimula ito nang mag-post si Neri sa kanyang Instagram account ng isang video kung saan makikita ang napakaraming bunga ng calamansi sa farm nila sa Alfonso, Cavite.

“Yung sarado pa rin ang mga tindahan sa may amin at kailangan namin ng kalamansi. Buti na lang at may munti akong hardin sa aming bakuran. Marami raming sawsawan na yan, hehe!” caption ni Neri sa kanyang IG post.

Maraming natuwa sa tanim na calamansi nina Neri at Chito na nagbigay pa ng suggestion kung paano ito mas mapapalago at maaalagaang mabuto. Pero may ilang netizens naman ang nangnega sa mag-asawa.

Comment ng isang @thessagonzaga, “Okay so ikaw naman. Ba’t ‘di mo na lang ipamigay ‘yung extra.” Na sinagot naman ni Neri ng “Pinagsasabi mo?”

Hirit naman ni Chito sa hater, “Pls read your 1st comment and tell me if you honestly think it wasn’t rude. Do you think you were being sensitive po? Question lang ‘yan ha? ‘Di ako nakikipag-away po.”

Sinabihan naman ng aktres ang asawa na huwag nang patulan ang basher dahil halos lahat naman daw ng kanyang post sa social media ay ninenega nito, “Pag nagse- share ako nagyayabang ako, pag may new business ako nagyayabang ako. May maliit na hardin ako at tumugo mayabang pa rin. Naiirita lang siya sa akin.”

Hindi pa rin dito tumigil ang netizen at nagpatuloy sa pang-aaway kay Neri, “Maldita ka. Hindi na ba pwede mag react sa post mo? Gusto mo e praise ka lage kasi feeling mo perfect ka! Tsk!”

Sagot naman sa kanya ni Neri, “Ha? Kalayo ko sa perfect. Kala mo lang yun. Hahaha!” Singit na comment naman ni Chito, “Klasik netizen ‘tong si @shane391991. I love it! Sarap pagtripan.”

Pero hindi pa rin nagpatinag ang basher at niresbakan uli ang mister ni Neri, “Mas masarap po kauo pag tripan kasi nag rereply kay sa ordinaryong tao na katulad ko. Pumapatok pala eh, akala ko d nagre replu. hahahah! gotcha!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending