Morissette sablay ang pagbirit sa ASAP; inokray ng netizens

Inokray-okray ng ilang netizens si Morissette Amon nang sumablay ang pagbirit nito sa ASAP Natin ‘To last Sunday.

Nakasama ng Kapamilya singer sa isang “Birit Wars” segment sina Sheryn Regis, Kyla, Elaine Duran, Elha Nympha at Angeline Quinto. Kinanta rito ni Morissette ang classic Basil Valdez song na

“Sometime, Somewhere” pero sa bandang huli ng kanta ay very obvious na hindi niya naabot nang bonggang-bongga ang kanyang birit moment.

Pero in fairness, nakabawi naman si Morissette sa ending ng kanyang performance dahil itinodo pa rin niya ang pagbirit. But of course, hindi pa rin siya nakaligtas sa mga bashers.

“Until that Sometime SomeWHEOOOIRE kaloka hahaha abort mission si Ate mo Morissette Amon. Napa-NO tuloy siya sa huli. No hindi daw niya kaya hahaha#ASAPNatinTo!”

“Morissette is good pero hinay-hinay din. Pag nasobrahan, sumasablay talaga eh.”

“What happened Morissette? Realtalk: Sometimes kase, learn to hold back kahit konti.”

Read more...