Gerald sa mareklamong Pinoy: Mahiya naman tayo, kahit kaunti lang | Bandera

Gerald sa mareklamong Pinoy: Mahiya naman tayo, kahit kaunti lang

Alex Brosas |January 21,2020
facebook
share this

Gerald sa mareklamong Pinoy: Mahiya naman tayo, kahit kaunti lang

Alex Brosas - January 21, 2020 - 12:39 AM

 

NAG-IBA ang pananaw sa buhay ni Gerald Anderson matapos niyang gawin ang “A Soldier’s Heart” na nagsimula nang ipalabas kahapon sa ABS-CBN primetime.

Playing Alex Marasigan, a young soldier, Gerald said, “It’s like we’re parang nagrereklamo on a daily basis sa maliliit na bagay. Parang ‘yung waiter na-late dumating, hintayin na lang natin. Mawawalan tayo ng kuryente mamaya…’yung patience mo. Parang mahiya naman tayo nang konti. Kahit konti lang. Kumpara sa training or bakbakan (ng sundalo). Hindi mo alam kung babalik sila (o hindi).

“’Yung perspective ko sa buhay naiba, eh. Parang nabawasan ang mga reklamo ko sa buhay. Nabawasan ko ‘yung pagkairita, na-build ‘yung patience ko because parang nakakahiya naman na magreklamo tayo dahil trapik sa EDSA, eh, ‘yung mga sundalo natin, hindi sila sure (kung makakabalik sila nang buhay) mula sa bakbakan,” paliwanag ng aktor.

* * *
Maraming pinasayang taga-Tuy, Batangas si Coco Martin nang magdala siya ng relief goods for the victims of Taal volcano eruption.

“Kasama ang kanyang Task Force Agila at iba pang co-stars sa Ang Probinsyano, pinangunahan ni Coco Martin ang isang relief operations drive para sa mga biktima ng Taal Volcano eruption. Mahigit 1,000 evacuees ang sumalubong kay Coco sa evacuation centers sa Tuy, Batangas.” ‘Yan ang post ng aming friend na si Eric John Salut sa Facebook.

Hindi lang mga taga-Batangas ang pinasaya ni Coco. Umapir siya sa “My Single Lady” special screening last weekend sa TriNoma Cinema 6. Pinagkaguluhan siya ng mga fans. Actually, pagpapakita iyon ng support ni Coco kay Jodi Sta. Maria, kapwa niya talent sa stable ni Mother Biboy Arboleda.

* * *
Nag-trending ang “Sagot o Lagot” segment sa Gandang Gabi, Vice ni Vice Ganda kaya naman nagbalik ito last Sunday.

Guests sina Nash Aguas at Jerome Ponce. Ang unang challenge kay Nash ay ang “i-text ang jowa ng “I think it’s over” sa tanong na anong form of cheating ang nagawa niya. Sinend ni Nash ang message sa GF na si Mika dela Cruz at isang “Ha?” ang sagot ng GF nito.

“Ha? Ang Taal? Wala pa baliw. End of the world?” text uli ni Mika.

Sa isang challenge, nag-twerk sina Nash at Jerome habang nakababa ang pants tuwing tutugtog ang kantang “Anaconda.” Hindi nasagot ni Nash ang tanong kung sino ang magaling na actor between Gerald Anderson na kasama niya sa “A Soldier’s Heart” at Joshua Garcia kaya napilitan siyang mag-twerk. Ayun, na-sight ang kanyang black boxer briefs. Si Jerome naman ay naka-checkered na boxers.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending