Fans nina Kisses at Donny mala-AlDub Nation ang peg

SUPORTADO rin ng fans nina Kisses Delavin at Donny Pangilinan ang pelikulang “D’ Ninang” kahit si McCoy de Leon ang kapareha ng dalaga.

Unang naging magka-loveteam sina Donny at Kisses sa pelikula at ilan pang proyekto ng ABS-CBN pero pinaghiwalay din sila ng management.

Going solo na sila ngayon sa kanilang respective career pero mananatili pa rin ang suporta ng fans sa kanilang mga idolo kahit wala pang katiyakan kung kailan sila uli magsasama bilang loveteam, huh!

Very AlDub Nation ang peg ng mga DonnKiss fans dahil kahit na nga may kanya-kanya nang career ang phenomental loveteam ng Eat Bulaga, buhay na buhay pa rin hanggang ngayon ang pagmamahal nila kina Alden Richards at Maine Mendoza.

Read more...