Jiro nagdodroga pa rin kahit nasa rehab; Ai Ai sumuko na

PINAGLAANAN ng sapat na panahon, pagmamahal at pera ni Ai Ai delas Alas si Jiro Manio. Ang halagang inilabas ni Ai Ai sa kanyang bulsa para maisalba ang mahusay pa namang aktor sa sitwasyon nito ay hindi barya-barya lang.

Bukal sa puso ang ginawang pag-ayuda ng Comedy Concert Queen kay Jiro, isang bagay na hindi nga nagawa ng sariling pamilya nito, pero ginampanan ni Ai Ai.

Pero sinukuan niya ang aktor. May hangganan lang ang pang-unawa at pagtulong. Kung ang mismong taong tinutulungan ay hindi gumagawa ng paraan para magbago ay walang kahit sinong tatagal sa pagsuporta sa kanya.

Kaya sa mga bashers na nagkokomentong basta na lang daw pinabayaan ng komedyana si Jiro Manio ay magsaliksik naman sana muna ang mga taong ito.

May sariling buhay si Ai Ai, meron din siyang pamilya, pero nagkaloob siya ng panahon at pagmamahal para kay Jiro.

Nasa rehabilitation center na ang aktor ay gumagamit pa rin ito ng marijuana, sino namang tumutulong ang makakaunawa ng ganu’n, natural lang na bibitiw na sa kanya ang taong ni hindi naman nito kadugo kundi tumutulong lang naman.

Wala kay Ai Ai ang pagbabago, kailangang magmula ‘yun sa may katawan, kung ibinabangon na niya ang aktor pero nagpapatihiga pa rin ay walang-wala na sa kanya ang problema.

May hangganan ang pagtulong.

Read more...