Pakiusap ng doktor sa rehab: Wag naman nating husgahan agad si Jiro!

“LET us not judge Jiro Manio.”

Yan ang pakiusap ni Dr. Elizabeth Pizarro-Serrano, ang chief ng isang rehabilitation facility sa Bataan kung saan ginamot ang dating child actor matapos malulong sa mga bisyo.
Ang Comedy Concert Queen na si
Ai Ai delas Alas ang nagdala sa nasabing rehab center kay Jiro noon pang 2016 pero itinigil din nito ang pagtulong sa kanyang anak-anakan dahil ayaw namang tulungan ng aktor ang sarili.

Sa isang mahabang mensahe sa Facebook, sinabi ni Dr. Serrano na malaki naman ang naging improvement ni Jiro nang sumailalim sa kanilang rehabilitation program nang ilang taon. Kaya nagulat na lang siya at nasangkot na naman sa bagong kontrobersiya si Jiro.

Ang tinutukoy niya ay ang kasong frustrated homicide na isinampa sa aktor dahil sa pananaksak umano sa isang Zeus Doctolero sa Marikina City nitong nagdaang Biyernes. Nakakulong pa rin hanggang ngayon ang dating child actor habang sinusulat namin ang balitang ito.

Narito ang kabuuang mensahe ni Dr. Serrano sa FB: “Again, Jiro Manio is in the news….I hope huwag po natin i-judge si Jiro sa nangyari sa kanya.

“There are different versions of the story. May nagsabing napagkatuwaan siya ng isang grupo while he was on his way home from work and was hit by a helmet.

“It was also said na habang nagre-report daw sya dati sa rehab ay naka- marijuana s’ya. I would like to correct the information.

“After 1-year of in house drug rehabilitation, Jiro ‘worked’ in the center and was very effective in his task helping in the advocacy activities.

“Marami s’yang na-inspire na mga kabataan whenever he gives his testimony.

“However, after more than a year, he decided na umuwi na sa pamilya n’ya to start anew and maybe try showbiz again or whatever na pwede n’yang gawin.

“After a few months, may tsismis nga na umabot sa rehab na nakapag-take uli sya ng marijuana…. BUT IT WAS NOT PROVEN!”

Pagpapatuloy pa ng doktor, “We asked people concerned about his welfare na sana ipa-drug test s’ya para sigurado and at the same time maagapan but hindi namin alam kung ano ang nangyari… kung naipa-drug test ba s’ya o hindi.

“He communicated to us through messenger, pasulpot sulpot na messages.

“Minsan nagkukwento s’ya ng mga opportunities n’ya… ng pag-iisip n’ya kung makakabalik pa s’ya sa showbiz and we were there to listen as long as we can..

“He visited the rehab on September 2019 to surprise me on my birthday – and nag- NEGATIVE naman ang DRUG TEST n’ya.”

Aniya pa, “Jiro might be confused kung ano ba ang gagawin n’ya but he was trying. Kung ano man ang nangyari, tulungan natin s’ya through our prayers.

“Let us not judge Jiro. Madaming Jiro sa paligid natin na nangangailangan ng kalinga. Sana bigyan natin sila ng chance.

“From TRC BATAAN, we wish only the best for you Jiro. God bless you!”

Read more...