Gerald Anderson sa pinagdaanang kontrobersiya: Hindi ako nagmamalinis!

GERALD ANDERSON

“HINDI naman ako magmamalinis!” ‘Yan ang diretsong pahayag ni Gerald Anderson patungkol sa mga kontrobersiyang kinasangkutan niya bago pumasok ang 2020.

Ibinahagi ng lead star ng pinakabagong primetime series ng ABS-CBN na “A Soldier’s Heart” ang mga lessons in life na kanyang natutunan sa usaping lovelife.

“Isa sa mga na-realize ko rin pagdating sa relasyon, I think, ay iba talaga ang perspective o POV (point of view) ng isang babae at isang lalaki pagdating sa relationship. That’s why minsan kapag nag-away, correct me if I’m wrong, talagang minsan hindi magkakaintindihan dahil iba ‘yung emotions, iba ‘yung facts, pananaw,” pahayag ng binata nang mag-guest kanina sa “Magandang Buhay”.

Dugtong pa niya, “Hindi naman ako magmamalinis. Until this day, siyempre there are nights na I think of what could I have done better, ano ‘yung dapat ko ginawa. Habang tumatagal doon ko na-realize na there’s always two versions talaga.

“At iba ang perspective ng bawat tao sa relationship. It takes two to tango. But I also accepted na a relationship doesn’t fail just because of one person, it really takes two, kasi kayong dalawa ‘yung nandoon,” pahayag pa ng Kapamilya hunk na ang tinutukoy nga ay ang kontrobersiyang hinarap niya matapos sumabog ang break-up nila ni Bea Alonzo.

Dito inamin ni Gerald na napakalaki ng naitulong sa kanya ng “A Soldier’s Heart” lalo na ng ilang mga kasamahan niya sa serye, kabilang na riyan si Carlo Aquino na talagang nagpakita ng malasakit sa kanya.

“Nag-open up ako sa isang taping namin. Pero hindi ko sinabi sa kanila na ako ‘yon. Noong time kasi na ‘yon parang nasa akin lahat, parang may makaka-relate kaya sa akin, iba ‘yung feeling, so nung nagkuwento ako ‘yung kaibigan ko kasi ganito, ‘yung partner niya ganyan,’ sabi nila ‘ay oo, Bro.’ So parang gumaan agad ‘yung pakiramdam ko na ‘ah okay normal, hindi lang pala ako ang dumadaan sa ganito,'” pahayag pa ni Gerald.

“Pero noong pinaka-peak ng lahat ng judgment at pinagdaanan, ako masasabi ko na hindi ko ‘yon malalagpasan kung hindi dahil sa A Solider’s Heart, dahil sa grupo na ito. Makita ko lang sila, magba-basketball, during break, or kakain kami sa labas, or kakain sa kampo sobrang sarap na may ganito ako.

“I think Papa God gives you the challenges at the right time in your life. He gives the worst challenges to the strongest soldiers, isa ‘yon sa mga na-realize ko,” aniya pa.

Napapanood na ang “A Soldier’s Heart” sa ABS-CBN Primetime Bida pagkatapos ng “Make It With You.”

Read more...