P131M jackpot hindi nasungkit

WALANG tumama sa P131.5 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola Linggo ng gabi.

Hindi tinamaan ang winning number combination na 10-01-39-05-28-15, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office.

Nanalo naman ng tig-P28,410 ang 41 mananaya na nakakuha ng limang numero.

Tig-P500 naman ang 1,829 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P24 taya ng 26,042 mananaya na nakatatlong numero.

Sa Martes muling bobolahin ng Ultra Lotto. May bola rin tuwing Biyernes.

Read more...