MAY “banta” si Ai Ai delas Alas sa pagpasok ng 2020.
In her words, the past year wasn’t as good to her except for her married life. Babangon daw siya this year.
Hindi malinaw kung ano ang eksaktong nangyari what let her down, Ai Ai would rather keep it to herself. Even the public isn’t privy to it.
But let’s speculate on the likely things that made her say na ‘di kagandahan ang lumipas na taon sa kanya.
Kung personal na aspeto ng kanyang buhay ang pag-uusapan ay wala rito ang problema, then what?
Oo nga pala, Ai Ai must be referring to her string of movies (a total of five nga ba including her MMFF entry with Coco Martin?) na hindi kinatigan ng magandang kapalaran sa takilya.
February, 2019 noong ipalabas ang una niyang movie which bombed at the tills. Nasundan ito ng isang Mother’s Day offering with her playing Nanay Sabel and her sons na just the same ay floppey rin.
As if to lend credence sa kapaniwalaang “it comes in threes,” ang “Feelinnial” nila ni Bayani Agbayani suffered the same fate at the box-office.
May pumang-apat pa. Ito ‘yung ang role niya ay isang artista na nasa crossroads ng kanyang career. Again, poor producer, he failed to laugh his way to the bank.
At nito ngang MMFF, ang tinampukan niyang “Huli Ka, Balbon” starring Coco Martin finished third. Reportedly, kumita lang ito ng P80 million although Ai Ai shouldn’t solely to blame.
Not to be ignored ay ang TV career ng komedyana. She lost Sunday PinaSaya which, in fairness, had a good run (mahigit apat na taon) just before maghiwalay ang taon.
Ang mga ito tiyak ang tinutukoy ni Ai Ai bilang career letdowns.
This 2020 ay may pelikula na naman si Ai Ai na aniya’y magsisilbing susi sa kanyang muling pagbangon.
Well and good kung ganu’n. At least, punumpuno ng positivity si Ai Ai.
Harinawang maputol na ang tanikala ng bad luck ng kanyang mga pelikula sa takilya. The chain of events has to stop, hopefully this year.
Kapag hindi pa naman, panahon na siguro for Ai Ai to reflect, to tread a different career path.
Aminin niyang ang pagma-manage ay hindi niya forte. Nagkaroon din sila ng falling-out ng Ex Batallion.
So, ano? Politics is one option.
Last year ay matunog ang balitang papalaot na siya sa mundo ng politika, na actually ay matagal nang nasa kanyang drawing table. But for some reason, lagi itong nauudlot.
Maybe, just maybe, ito kalaunan ang nakadisenyo para kay Ai Ai. Who knows?
If Ai Ai makes a good public servant remains to be seen. Kung ang pagiging generous niya is to be taken into account plus ang kanyang pagiging God-fearing, maybe so.
Sa lokal nga lang siya mas nababagay.