Hazard pay sa workers na malapit sa Taal isinulong

DAPAT umanong bigyan ng 25 porsyentong hazard pay ang mga tinatayang 2,000 empleyado na papasok sa mga restaurant at hotel sa Tagaytay City na pasok sa danger zone ng bulkang Taal.

Ayon kay TUCP Rep. Raymond Mendoza kahit na ang mga media men na nagko-cover sa Taal ay dapat bayaran ng hazard pay na 25 porsyento ng kanilang sahod.

“All employees including rank-and-file, supervisors and managers working in all business establishments such as hotels, restaurants, casinos, and spas among others which are located within the 14-kilometer danger zone particularly Tagaytay City have the right and are entitled to a minimum 25% hazard pay of the their daily basic pay,” dagdag pa ni Mendoza.

Sinabi naman ni 1Pacman Rep. Mikee Romero na maaaring bumuo ang Gabinete ng Inter-Agency Taal Rehabilitation, Recovery and Livelihood Program upang mapabilis ang pagbangon ng mga lugar na nasalanta ng pagsabog ng bulkan.

“While we do not have yet a Department of Disaster Resilience, this will do for now. Housing, jobs, and livelihood should be the key result areas of the program and its implementing task group,” ani Romero.

Inirekomenda ni Romero si Human Settlements Sec. Eduardo del Rosario na mamuno sa inter-agency task force. “Then when a DDR is established and its first Secretary is appointed, the DDR Secretary shall serve as co-chairman.”

Mahalaga rin umano na tiyakin ng Department of Finance at Department of Budget and Management na may pondo ang programa.

“We should not let this Taal Volcano Eruption be the current equivalent of the disastrous and scandalous Yolanda relief, rehab, and recovery,” dagdag pa ng solon.

Read more...