SIMULA sa Pebrero 1 ay maaari ng magparehistro ang mga papasok na kindergarten, Grade 1 at 7 at 11 sa School Year 2020-21.
Ayon sa Department of Education magtatagal ang early registration hanggang Marso 6.
Layunin ng early registration na matukoy at makilala ang mga out-of-school youth at hikayatin ang mga ito na bumalik sa pag-aaral.
Ang mga maaaring pumasok na kindergarten ay ang mga bata na limang taong gulang na sa Agosto 31, 2020.
Ang mga tatanggapin namang grade 1 ay ang mga kinder completer o nakapasa sa Philippine Educational Placement Test at anim na taong gulang na sa Agosto 31, 2020 at Grade 1 ready an alinsunod sa Early Childhood Development checklist.
Ang mage-enroll na kinder at grade 1 ay dapat magdala ng Philippine Statistics Authority o National Statistics Authority birth certificate o kaya ay Local Civil Registrar birth certificate, baptismal o barangay certificate.
Makakapagpa-enroll naman sa grade 7 ang mga grade 6 completer, PEPT passer at Accreditation and Equivalency Test passer.
Ang mga grade 10 completers, PEPT passer at A&E secondary passer ay makakapagpa-enroll naman sa grade 11.