P68M shabu nakumpiska sa Pasay

NAKUMPISKA ng mga otoridad ang P68 milyong halaga ng shabu matapoa maaresto ang dalawang suspek sa Pasay City Sabado ng gabi.

Kinilala ni Philippine National Police (PNP) spokesman Brig. Gen. Bernard Banac ang mga suspek na sina Mia Bianca Atendido Churez, 22 at Dave Tajores Realin, 21.

Ayon sa pulisya, kabilang si Churez sa drug watchlist.

Isinagawa ng mga elemento ng PNP Drug Enforcement Group (DEG), Pasay City police, at Philippine Drug Enforcement Agency sa National Capital Region ang buy-bust operation sa kahabaan ng Apelo Cruz kanto ng Edsa sa Barangay 151, Zone 16 sa Malibay ganap na alas-8:30 ng gabi.

Nakumpiska ang 10 kilo ng shabu, itim na bag, cash na nagkakahalaga ng P2,000, at boodle money.

Nakakulong ang mga suspek sa  PNP-DEG habang inihahanda ang kaso laban sa kanila.

Read more...