Saab Magalona nag-donate ng breastmilk para sa mga ‘Taal’ baby

SAAB MAGALONA

Agad na tumugon ang aktres na si Saab Magalona sa panawagan ng mga opisyal sa Batangas para sa pagdo-donate ng breast milk.

Nakarating kay Saab na maraming nanay na nasa evacuation centers ang nangangailan ngayon ng gatas ng ina para sa kanilang mga sanggol.

Bukod dito, humingi rin ang local government ng Batangas ng breast milk pouches para sa breastfed babies na nakatira pansamantala sa evacuation centers.

“Kasalukuyan po tayong nangangailangan ng mga breast milk at breast milk pouches para sa mga breastfed babies na nasa mga evacuation centers ngayon.

Maaari po kayong makipag-ugnayan kay Ms Weng Casabuena ng PSWDO (09198042398) upang makapag-abot ng tulong. Maraming salamat po,” ayon sa Facebook post ng Batangas Public Information Office.

Tweet ni Saab, “I have breastmilk but need help with sending to Batangas! Help!” Ilang sandali lang ay nag-post uli si Saab sa kanyang Twitter na nakahanap na siya ng magdadala ng mga donasyong breast milk sa Batangas.

Read more...