JC SANTOS KASAL NA SA NON-SHOWBIZ DYOWA; MAGIGING TATAY NA RIN

SHYLEENA HERRERA AT JC SANTOS

KASAL at magiging tatay na pala ang aktor na si JC Santos. Ito ang inamin niya sa nakaraang presscon ng latest movie niyang “On Vodka, Beers And Regrets”.

September, 2019 nagpakasal si JC sa kanyang non-showbiz partner na si Shyleena Herrera at eight months pregnant na ito. Next month na manganganak si Shyleena at wish ni JC sana raw ay Valentine’s Day lumabas ang kanilang panganay.

Kilig ang love story ng dalawa. Niligawan ni JC si Shyleena noong high school pa sila pero basted siya at nu’ng magkrus muli ang landas nila hindi na niya ito pinakawalan.

“Yes, 2019 is the best year for me. 2019 lahat, sobrang thankful ako kay Lord na lahat ng pangarap ko, lahat ng dasal ko natupad pati yung sa career. Pero bukod doon sa career ko actually, yung crush ko nu’ng high school na nabasted ako 15 years ago nagkita kami ulit at hindi ko na siya pinakawalan.”

Kuwento pa ni JC sa panayam ng ilang members ng entertainment media sa presscon ng “On Vodka, Beers And Regrets”, “Sinabi ko na agad sa parents niya na…siyempre nag-hang out kami for a few months, sinabi ko na agad sa parents niya na ‘I wanna marry your daughter.’ Sinabi ko na agad sa kapatid niya, ganu’n.

“And nalaman na nila and nag-propose ako and we got married. And now we have a new beautiful girl,” aniya pa.

Ano’ng feeling na magiging tatay na siya? “Kinakabahan ako. Gusto kong nag-aalaga (ng bata), eh. We’ve planned it. 31 years old na ako so puwede na naman siguro akong (magkaanak).”
May plano na ba siya para sa kanyang first baby?

“Excited na kami. Gusto ko na siyang makita, pero umbaga, future plans okey na, na-set ko na yan, sure na yan,” dagdag chika pa ni JC.

Pero bakit nga ba niya inilihim ang pagpapakasal kay Shyleena? Wala kasing nakaalam tungkol dito at wala rin silang ipinost tungkol dito sa social media, “Walang nagtatanong. Hindi namin siya nilihim. Ang social media ko kasi is about my work lang, yon lang siya.”

Read more...