ROXEE B: Kaya ko nang mag-all the way sa hubaran! | Bandera

ROXEE B: Kaya ko nang mag-all the way sa hubaran!

Ervin Santiago - August 03, 2013 - 03:00 AM


Nagmumura ang kaseksihan ni Roxee B (dating Roxanne Barcelo) nang maispatan siya kamakailan sa Shangri-La Hotel sa Makati. As in lahat talaga ay napapalingon habang naglalakad siya sa lobby ng nasabing hotel.

Ibang-iba na kasi ang dating ngayon ng dalaga, hindi na siya ‘yung iyakin dati sa loob ng PBB house kung saan isa siya sa mga naging celebrity housemates noon.

Sabi ng mga nakakakita sa kanya, may  angas na raw ang dating niya, mararamdaman daw na palaban na siya at handa na sa pagharap sa mga bagong pagsubok ng buhay.

“Nag-FHM na nga ako, pati pangalan, may tapang na, di ba, Roxee B? Wala na rin akong limitations ngayon. All the way kung all the way. Kung dati, maraming bagay akong kinatatakutan, ngayon, gone with the wind na po iyon.

Pati acting ko, iba na rin. Salamat at may blessing naman po ako sa parents ko. Nauunawaan po nila na passion ko na ito ngayon,” paliwanag ni Roxee B.

“Isa pa, 26 na po ako. Hindi na ako bumabata. Nag-topless na rin po ako sa Amaya, at ito nga ‘yung FHM ko. Meron din po akong bagong kanta, ang ‘WOW’ (Woman of the World) at senyales din po ito ng total change ko as a woman and an actress.

So, sana tuluy-tuloy na ‘to!” hirit pa niya. Nasa Shangri-La Hotel si Roxee nang hapong ‘yun dahil spokesperson din pala siya ng FU group, “Ang FU po ay ang Filipinos Unite na ang layunin ay magkaroon ng awareness for Filipinos to unite and also to excite positive leadership in the face of military aggression from China against Philippines.”

Si Roxee pala ‘yung matapang na nagsasalita sa presidential table ng isang function room, “Proud ako na ako ang napili nila na maging spokesperson ng grupo.

Hindi po kami manggugulo at naniniwala kaming may tahimik na paraan para ma-solve ang kahit anong problema. Hindi po kami mga bayaran, we are here to fight but we will do it right. We are using our voices to spread the light.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending