NCAA Season 95 tennis magbubukas na

SISIMULAN ng San Beda University ang pagdepensa ng kanilang titulo sa pagbubukas ng NCAA Season 95 lawn tennis at soft tennis competitions ngayong Sabado, Enero 18, sa Rizal Memorial Tennis Center sa  Malate, Maynila.

Sa pangunguna ni Season 94 Most Valuable Player Andre Tuason, naagaw ng San Beda ang men’s lawn tennis title mula sa College of St. Benilde sa Finals.

Sa likod ni Junior Fed Cup campaigner at season MVP Tracy Cheldette Llamas, nanaig ang San Beda kontra St. Benilde sa championship tie para magreyna sa women’s division.

Dinomina rin ng Mendiola-based squad ang soft tennis.

Tinanghal na kauna-unahang men’s soft tennis champions ang Red Netters matapos talunin ang Blazers.

Sinandalan naman ng San Beda ang mahusay na paglalaro ni Princess Catindig kontra St. Benilde para mauwi ang women’s crown.

Sa juniors division, target ng Lyceum of the Philippines University ang ikalawang sunod na titulo.

Read more...