Balo ready na nga ba sa bagong relasyon?

DEAR Ateng Beth,
Ako po si Rhea, 30 years old, mula po ako sa La Trinidad, Benguet,
May problema po ako ngayon. Isa po akong balo at meron pong mga nanliligaw sa akin.
Bale, limang taon na pong patay ang aking asawa. Pero sa limang taon na iyon ay tila hindi ko pa rin talaga siya makalimutan kahit may mga nanliligaw sa akin at madalas din lumabas kasama ang aking mga kaibigan.
Nahihirapan akong maka move on, siya pa rin ang nasa isip ko parati.
Ano po ba ang dapat kong gawin para makalimot ako? Salamat po.
Rhea
Dear Rhea,
Magandang araw sa iyo, Rhea. True, mahirap talagang maka-move on sa isang relasyon lalo na’t punong-puno ito ng saya.
Gaya mo, marami rin akong mga kaibigan, both men and women ang hirap makalimot sa kanilang mga naging relasyon dahil sa kamatayan.
Mahirap kasi, unang-una, asawa yan. Kabiyak ng buhay mo iyan, bukod sa mga magulang mo, yan ang higit na nakakikilala sa iyong pagkatao.
Walang haba ng panahon para masabi natin na nalimutan na ang isang asawang namayapa.
Rhea, maaaring sabihin ng iba, ang five years ay maiksi; maaring sabihin ng ilan na sadyang mahaba na yang panahon na iyan.
Pero, sa totoo lang, ang key diyan ay huwag mong madaliin ang sarili mo.
Thirty years old ka pa lang. Ayusin mo muna sarili mo, gawin ang mga kailangang gawin. Tuparin ang mga pangarap at naisin.
Hindi porke’t may nanliligaw, sasagot naman at makikipag-nobyo na agad.
Kung gusto nilang maghintay, magtiyaga sila hanggang sa ready ka na.
Huwag kang pa pressure na magkarelasyon agad.
Pagalingin mo muna ang puso mo. Pagalingin mo muna buhay mo. Bata ka pa naman. Wag magmadali.

Read more...