Muling sinupalpal ni Luis Manzano ang ilang bashers na nagsasabing wala siyang naibibigay na tulong sa mga biktima ng Taal volcano eruption.
Tanong ng netizens, bakit wala siyang mga post sa social media para patunayang may natutulungan siya sa Batangas.
Sabi ni Luis, “Like what i said, hindi lahat ng bagay kelangan makita o i post on social media. Ang ibang tao kase ang basis nila ng ‘legit’ o validation pagnakapost.
“Sabi ko nga, i post mo tulong mo – good! Ayaw mo post – good pa rin. Ang tatanggapin lang ng iba ay pagnakapost, ayaw nila ma comprehend na mas marami nangyayari sa likod ng social media.
“Binabase nila ang validation on social media which i think is wrong. Bawat hinga’t utot at galaw naka post dapat and i don’t agree with that.”
Ipinagdiinan pa ng I Can See Your Voice host na, “With everything that has been said and done, do what you want to do. gusto mo tumulong and post? Great job, gusto mo tumulong behind the scenes? Great job pa rin.
“But never invalidate help or someone just because it is not posted online! Laban tayo Batanguenos (heart emoji) God Bless!”