NGAYON pa lang ay excited na ang madlang pipol sa balitang muling pagsasama sa pelikula ng ex-couple na sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao.
Isa ito sa mga pasabog ng ABS-CBN Films at Star Cinema sa 2020. Sa “Sama-Sama Tayo sa 2020” teaser ng Kapamilya Network ipinakita ang ilang video clips para sa pelikulang “Servando Magdamag”.
Dito nga ipinakita ang muling pagtatambal nina John Lloyd at Shaina na naging magdyowa rin za tunay na buhay pero nagkahiwalay din noong 2012.
Ang “Servando Magdamag” ay ibinase sa isinulat na kuwento ni Ricky Lee pero wala pa ibang detalye tungkol dito. Ito ang magsisilbing major film comeback ni John Lloyd matapos lisanin ang showbiz noong 2017.
Nitong nakaraang 2019 Metro Manila Film Festival nagkaroon ng special appearance si Lloydie sa pelikulang “Culion.”