PBA title hangad pa rin ni Durham kaysa Best Import award

NAGING Best Import man sa ikatlong pagkakataon, mas hangad pa rin ni Allen Durham na makakuha ng PBA title sa Meralco Bolts.

Ito ang mas nais ni Durham kaysa sa nakuhang parangal.

“It (Best Import award) doesn’t mean nothing right now. I don’t really care about that, that’s not why I came back,” sabi ni Durham matapos ang Game 4 noong Miyerkules ng gabi kung saan nakatikim ang Bolts ng 94-72 pagkatalo sa Barangay Ginebra Gin Kings.

Ang 31-anyos na si Durham ay nagtala ng 21 puntos at 27 rebounds sa Game 4 kung saan tumira lamang siya ng 9-of-23 mula sa field at may anim na turnover.

“I’m just worried about trying to get a win on Friday and extend the series,” dagdag pa ni Durham, na tinalo sa Best Import award si Barangay Ginebra import Justin Brownlee.

Tatangkain naman ni Durham at iba pang manlalaro ng Bolts na makabawi sa Game 5 ngayong Biyernes ng gabi sa Mall of Asia Arena.

Pipilitin naman ng Gin Kings na muling dominahin ang Bolts, na dalawang beses na nilang tinalo sa finals, at mauwi ang ikatlong PBA Governors’ Cup title sa loob ng apat na taon.

Read more...