MAGANDA ang pasok ng taong “Bente-Bente” kay Julia Montes dahil ayon sa kanyang manager na si Erickson Raymundo, Presidente at CEO n g Cornerstone Management ay marami itong gagawing projects.
Ito’y base na rin sa litratong ipinost ni Erickson kasama ang dalaga, “Welcome back @montesjulia08! 2020 will be a busy year for you and I can’t wait to share all the projects lined up for you. Exciting months ahead!”
Huling quarter ng 2018 ay lumipad patungong Germany si Julia para makasama ang amang si Martin Schnittka (Pasko at Bagong Taon). Inakala ng management company ng dalaga na sandali lang siya roon, pero nag-extend pa kaya inabot na ng ilang buwan.
Lampas anim na buwan na sa Germany si Julia at dahil nag-post siya ng photo sa Instagram na medyo chubby ay maraming nagsabi na buntis siya pero hanggang sa nakabalik ng bansa ay wala pa rin itong kumpirmasyon.
Isa kami sa nangungulit sa handler ni Julia na si Mac Merla para alamin kung ano talaga ang status ng dalaga pero ang laging sagot sa amin, “Wala po kaming alam, walang sinasabi sa amin at hindi naman kami nagtatanong unless siya ang mag-open.”
Kamakalawa ay nag-post si Mac ng litrato nila ni Julia na may caption na, “Welcome Home, Julia Montes #Soon.”
Nagpadala kami ng mensahe kay Mac kung puwedeng mainterbyu ang aktres pero mabilis kaming sinagot ng, “Soon po.”
Anyway, ang daming nag-aabang sa pagbabalik ni Julia lalo na ang loyal supporters niya na hindi siya iniwan kahit mahigit isang taon siyang walang proyekto.
Abangan na lang natin kung anu-anong project ng gagawin ng aktres at kung totoong makakasama na rin siya sa Ang Probinsyano ni Coco Martin, ang huling lalaking na-link sa dalaga.